Makatang Alipin
Abril 24, 2008
Makatang Alipin
Ang makatang
alipin
ginagamit
ang kanyang isip sa taludtod, ng naiibang
ugong
Wala ni isa
kundi ang kanyang guni-guning mambabasa ang humarap
upang unawain ang kagustuhan
ng
kanyang kamay
Kaya kong
damhin
ang kanyang tula, habang ang mga dahon ng taglagas
ay bumabagsak sa
lupa
Lumalangitngit
sa matinding
katahimikan, ngunit ang siyudad ay namulaklak
nang napakaganda; at ang
bawat isa’y naamoy ang kinabukasan
Ikaw at Ako, Dugong Filipino!
Abril 24, 2008
Ikaw at Ako, Dugong Filipino!
Pakiusap ko sa mga kapatid na taga-Mindanao,
Sa poder ni Inay, h‘wag sana kayong pumanaw;
Nalungkot siya, dahil ang Sabah ay ipinamigay,
Ng ang ating nagbabantay, ay nakuha sa lagay!
At ngayon, Spratley naman ay pinag-aagawan,
Kung kayo’y hihiwalay, sino na ang maiiwan?
Lagi, tulungan mabuti ang nagdurusang si Inay,
Upang ang bakod niya’y di na muling maanay;
Bantayan ng maigi ang lahat ng ating mga pag-aari,
Lalo na sa mga kababayan, na parang mga hari!
Pag kayo ay lumisan ng tuluyan sa kandungan,
Pagkatao ng ating magulang ay makukulangan;
May nais na hilingin, sa armas ay h‘wag daanin;
Bawat dugong dadaloy, ating dapat alalahanin!
Ang Kapalit Ng Bawat Pangarap
Abril 24, 2008
Ang Kapalit Ng Bawat Pangarap
Damdamin ay tumatangi‘t isip mo’y naiinis
Dahil dalubhasa’y ginagamit lang na panlinis
Ng mga magaganda’t nagtatayogang gusali
Na ang katawan, ay di man lang ito nakatali
Kaya kahit anong klaseng gawin mong ingat
Dahil sa bigat ng bitbitin, pag ika’y nalingat
Ang hapong katawan, ay tiyak na masasawi
At baka ang pinong mga abo, ang humawi
Sa mga mahal mo at sa kanilang pangarap
Ngunit, wala kang magagawa kundi iharap
Ang iyong sarili, sa mga balong kumunoy
Na hatid nito’y walang iba kundi panaghoy
Nagtitiis ka, alang-alang sa iyong pangako
Kay Ina’y hahango, kahit ikaw ay mapako
OFW, Ang Bagong Bayani?!
Abril 24, 2008
OFW, Ang Bagong Bayani?!
Di namin mawari,
Bakit kayo nagkukunwari?
Na kami’y tawaging mga bagong bayani,
Sa mga pakana niyo’y di na muling mabibighani!
Sapat na aming paghihirap na dinadanas
Umangat lang ang Pinas,
Kaya tigilan
Ang inyong mga paulan;
Bawasan ang mga walang kuwentang luho;
Upang ekonomiya ng bayan ay maiahon sa guho;
At kami naman ay hindi na patago-tago!
Ang bagong bayani, sino?
OFW, wow!
Daw?!